South Carolina binaha dahil sa 1,000-year level rain

AP South Carolina1
AP Photo

Lima na ang kumpirmadong patay sa nagpapatuloy na buhos ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng South Carolina.

Umapela na rin sa mga residente ng South Carolina si Gov. Nikki Haley na manatali sila sa loob ng kanilang mga tahanan at iwasan ang paglalakbay kung hindi rin lamang importante ang mga gagawin sa labas ng kanilang mga bahay.

Ipinaliwanag ni Steven Pfaff ng National Weather Service na isang uri ng weather phenomenon ang nangyayari sa South Carolina na bihirang nangyayari sa isang partikular na lugar.

Ang patuloy at walang tigil na pag-ulan sa nakalipas na ilang araw ay maikukumpara na sa tinatawag na “1,000-year level rain” para sa naturang U.S State na hindi naman masyadong dinadanan ng sama ng panahon.

Lubog sa halos ay hanggang bewang na baha ang malaking bahagi ng South Carolina partikular na sa mga lugar ng Mount Pleasant, Charleston, Gills Creek at Columbia area.

Nakapagtala na rin ang State Troopers ng 315 kaso ng vehicular accidents sa nakalipas na tatlong araw maliban pa sa halos ay 750 passengers na apektado ng grabeng pagbaha sa mga matataong lugar.

Bagaman nagpapatuloy ang supply kuryente sa lugar, ipinapayo ng mga otoridad sa lugar na umiwas sa mga high tension posts para maka-iwas sa insidente.

Patuloy namang nakatutok ang White House ang mga kaganapan sa South Carolina habang tiniyak naman ni Gov. Haley na nanatiling konrolado nila ang sitwasyon sa lugar.

Read more...