Manny Pacquaio tatakbong senador

pacquiao
Inquirer file photo

Kinumpirma na ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao ang kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa 2016 Elections.

Sa kanyang State of the District Address na ginanap sa kanyang Distrito sa Saranggani, sinabi ni Pacquiao na pormal niyang iaanunsyo ang kanyang senatorial bid anumang araw ngayong linggo.

Hindi naman binanggit ni Pacquiao kung saang partido siya sasali para sa halalan.

Ayon naman kay YAKAP Partylist Rep. Carol Jane Lopez, patuloy ang paghimok ng Liberal Party kay Pacquiao na mag-ober-da-bakod na.

Si Pacquiao ay kasalukuyang miyembro ng United Nationalist Alliance o UNA ni Vice President Jejomar Binay.

Pero sinabi ni Lopez na ipauubaya ng LP kay Pacquiao ang pagpapasya at pag-anunsyo kung aling partido ang mas gusto niyang samahan para sa eleksyon.

Kanina sa official nomination nina Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo sa Club Filipino ay binanggit ni Pangulong Noynoy Aquino ang pangalan ng pambansang kamao kung saan ay ikinumpara niya ang sarili dahil sa daming pinagdanan para marating ang kasalukuyan niyang kinalalagyan.

Read more...