Southern Leyte, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Pintuyan sa lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon sa PHIVOLCS ang lindol ay naitala sa 3 kilometers North ng Pintuyan alas 6:51 ng gabi ng Biyernes (March 16).

May lalim lang na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ng Phivolcs ang Intensity II sa Pintuyan at San Ricardo sa Southern Leyte.

At Intensity I naman sa San Francisco at San Juan, Southern Leyte.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala o afterchocks.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...