19 na talent ng seryeng ‘Bagani’ nasangkot sa aksidente

Kinumpirma ng Star Creatives na aabot sa 19 na talent ng fantaserye “Bagani” ang nasangkot sa aksidente.

Ayon kay Star Creatives advertising and promotions manager Mico del Rosario naganap ang aksidente noong Miyerkules, March 14, at bahagyang nasaktan ang kanilang mga talent.

Sakay sila ng jeep nang magkaproblema ito sa makina at bumaligtad sa kahabaan ng NLEX.

Dinala aniya sa ospital ang mga nasugatan pero agad din namang nakalabas.

 

 

 

 

Read more...