Pangulong Duterte hindi kuntento sa ilang miyembro ng gabinete

Magpapatupad ng pagbabago sa hanay ng kaniyang gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunot na araw.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque hindi kuntento o hindi masaya si Duterte sa performance ng ilang gabinete.

Ginawa ni Roque ang pahayag sa gitna ng mga panawagan na magbitiw sa pwesto si Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Pero sa ngayon ani Roque, nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng pangulo kay Aguirre.

Ani Roque, kilala naman ng publiko ang istilo ng pangulo na kung talagang ayaw niya sa isang gabinete ay hindi na niya hihintaying ito ay magbitiw at sa halip ay sisibakin na niya ito.

 

 

 

 

Read more...