Makatatanggap ng tulong mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga manggagawa na maaapektuhan kung sakaling matuloy ang pagsasara ng Boracay.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, may plano para sa mga mawawalan ng trabaho.
Sa huli sinabi ni Leones na makikinabang din naman ang mga manggagawa sa Boracay kapag ito ay na-rehabilitate.
Inihalimbawa pa ni Leones ang Phuket at Pattaya sa Thailand bilang model of islands na ipinasara at nang muling buksan ay mas nakatulong sa komunidad.
Hiniling naman ni Leones sa mga business owner at mgananinirahan doon na makipag-cooperate sa gagawing clean-up drive sa isla.
Magugunitang isang taon na pagsasara ang inirekomenda ng DENR, Department of the Interior and Local Government, at Department of Tourism para maisaayos ang Boracay.