Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ng PHIVOLCS ang lindol sa 171 kilometers South ng Sarangani alas 8:30 ng umaga.

May lalim na 52 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

 

 

 

 

Read more...