Bagong passenger terminal ng Tacloban Airport bukas na

Pinangunahan ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang pagbubukas ng expanded passenger terminal building ng Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City.

Makalipas ang siyam na buwan na konstruksyon, pinaganda na rin ang check-in station, fully renovated na ang mga comfort rooms at halos 300 upuan ang idinagdag sa departure area.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagsasaayos sa parking lot ng airport.

Bukod dito ay magpapatayo pa ng bagong passenger terminal building.

Ang airport ang naging sentro ng relief operations nang manalasa ang bagyong Yolanda.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...