Napupuno na si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa sa mga batikos na kanilang natatanggap sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Giit ni Dela Rosa totoo ang war on drugs at hindi ito isang moro-moro lang.
Patunay aniya rito ang nasa 108 pulis na napapatay sa mga anti drugs operation at ang libu-libong tao na napatay.
Nag-ugat ang bansag na moro-moro sa social media matapos na maabswelto sa kasong may kinalaman sa droga sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa.
Agad namang ipinagtanggol ni Dela Rosa si Pangulong Duterte sa pagkaka-abswelto ng mga drug persinalities.
Ayon sa kanya, galit na galit nga ang pangulo sa naging takbo ng kaso.
Sa katunayan nga aniya ay namaga ang kamay ng pangulo dahil sa sinuntok nito ang pader sa Malakanyang matapos mabalitaan ang resulta ng kaso.
Samantala, sinabi naman ni Dela Rosa na hindi sya naniniwala na nabayaran ang mga state prosecutors na may hawak sa kaso ng mga drug lords kung kayat nalinis ang pangalan ng mga ito.