Napoles hiniling na sa Sandiganbayan na malipat siya sa kostodiya ng DOJ

Inquirer File Photo

Hiniling ni Janet Lim-Napoles sa Sandiganbayan 1st division na siya ay mailipat na sa kostodiya ng Department of Justice-Witness Protection Program (DOJ-WPP).

Ang mosyon ay isinumite ni Napoles matapos siyang mapagbigyan na maisailalim sa provisional WPP ng kagawaran.

Sa ngayon ay nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon sa mosyon ni Napoles, upang magampanan ng DPJ ang tungkulin na siya ay bigyan ng seguridad dapat ay mailipat siya sa kostodiya ng WPP.

Binanggit pa sa mosyon na sa ilalim ng Republic Act 6981 ang mga sakop ng WPP ay maaring mailagay sa isang secure na housing facility para matiyak ang kaniyang kaligtasan.

Ayon naman DOJ Usec. Erickson Balmes, wala pa sa kanilang kostodiya si Napoles dahil nasa provisional admission pa lamang ito ng WPP.

Pinag-aaralan pa aniya nila sa ngayon ang affifavit na isinumite ni Napoles.

Gayunman, maari aniya nilang bigyan ng karagdagang security si Napoles kung kinakailangan o kaya naman ay tugunan ang medical attention nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...