Binabagtas ng isang pampasaherong jeep ang Maharlika Highway nang iwasan nitong banggain ang isang sasakyan.
Biglang pumreno ang jeep dahilan para mag-swerve sa inner lane.
Bumangga ang jeep sa tatlong pulis sakay ng kani-kanilang motorsiklo sa kabilang direksyon.
Kinilala ang mga sugatang pulis na sina PO2 Ryan Alexis Ole, PO3 Mark Anthony Masalunga, at PO1 Eidiriel Carandang.
Isinugod naman sa isang ospital sa Lucena City ang mga biktima para gamutin.
Dahil naman sa aksidente nawala ang service firearm ni Carandang na caliber .9MM Berreta pistol.
MOST READ
LATEST STORIES