Water elevations ng ilang dams sa Luzon tumaas

San Roque Dam
Inquirer file photo

Dahil sa nagdaang bagyong Kabayan at manaka-nakang mga pag-ulan sa Luzon area ay bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa ibat-ibang mga dam sa rehiyon.

Batay sa data na inilabas ng PAGASA Hydrology Center, tumaas ng 0.52 meters ang tubig sa Angat dam na sa pinakahuling tala kaninang alas sais ng umaga ay umabot na ng 193.03 meters kumpara sa 192.51 meters nuong October 4.

Ang IPO dam naman ay nakapagtala ng 99.92 meters kaninang alas sais ng umaga kumpara sa 99.84 meters lamang kahapon.

Bahagya ring tumaas ang water elevation ng Ambuklao Dam sa 750.50 meters kumpara kahapon na 750.29 meters noong Sabado.

Bahagya ring tumaas ang tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Vizcaya, mula sa 193.91 meters kahapon, ay umabot na ito sa 194.92 meters kaninang umaga.

Habang ang Magat Dam naman sa lalawigan ng Isabela ay nakapagtala ng 192.84 meters kumpara sa 192.76 meters kahapon.

Ang Caliraya Dam sa Laguna ay nasa 288.03 meters na ang tubig, kumpara kahapon na nasa 287.61 meters lamang. Kapwa Nasa Negative Level pa rin ang antas ng tubig sa Binga at San Roque Dam sa Northern Luzon.

Ayon Kay Hydrologist Elmer Caringal, bahagyang nakatulong ang mga pag-ulan na idinulot ng bagyong Kabayan.

Asahan na rin aniya na sa mga susunod na araw ay tataas pa ang tubig sa ilang dam dahil sa unti-unting pagbagsak ng tubig mula sa kabundukan patungo sa mga water reservoir.

Read more...