Senatorial-line up ng Liberal Party, ihahayag sa Biyernes

Sec-Jesse-Robredo-Day-Roxas-Aquino-Leni
Inquirer file photo

Hindi napigilan ni Pangulong Noynoy Aquino na laiitin ang umano’y pahirapan na pagbuo ng Senatorial line-up ng mga kalaban ng Liberal Party.

Ginawa ito ng pangulo sa ginanap na deklarasyon ng Liberal Party kina dating DILG Sec. Mar Roxas at Camarines sur Rep. Leni Robredo bilang mga opisyal na kandidato ng administration party sa Presidential at Vice-Presidential election sa 2016.

Ayon sa kay Pangulong Aquino sa Biyernes ay kanila nang ipakikilala sa publiko ang buong line-up na kukumpleto sa labingdalawang pangalan ng mga tatakbo bilang mga senador sa darating na halalan.

Pakutyang hirit ni Pangulong Aquino na habang hirap na hirap ang iba sa magtagpi-tagpi ng koalisyon, buong-buo naman ang kanilang puwersa.

Una nang sinabi ni Senate President Franklin Drilonna isa ring opisyal ng Liberal Party na sa ngayon ay lampas sa labing dalawa ang pinagpipilian nilang kandidato para sa kanilang slate.

Tiniyak din ng mambabatas na dumaan sa masusing pag-pili ng National Executive Council ng L.P ang selection process ng mga kandidato kaya nakatitiyak ang publiko na pawang mga taga-suporta ng “Tuwid na Daan” campaign ng pamahalaan ang makakasama sa listahan.

Read more...