Subpeona powers hindi hahayaang ng DILG na maabuso ng PNP

Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi nito papayagang abusuhin ng Philippine National Police (PNP) ang paghahain ng subpoena.

Ipinahayag ni DILG officer-in-charge Eduardo Año na mahigpit nitong babantayan ang PNP laban sa anumang tangkang pang-aabuso sa kapangyarihang mag-subpoena.

Ayon sa opisyal, marami sa mga kasong isinampa sa korte ang ibinabasura dahil sa kakulangan ng ebidensya. Naniniwala siya na palalakasin ng subpoena powers ang mga kasong isinasampa ng PNP.

Nilinaw naman ni Año na ang kapangyarihang ito ay para lamang sa PNP director general, hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at kanyang deputy.

Sinabi ni Año na posibleng hindi binigyan ng subpoena powers ang kabuuan ng pulisya at hanggang sa precinct level dahil ikinunsidera ng batas na gagamitin lamang ito sa mga pagkakataong hindi makikipagtulungan ang mga testigo sa imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...