Kapakanan ng mga sundalo at pulis ang inisip ng pangulo sa pagkalas sa ICC ayon kay Sec. Cayetano

Inquirer File Photo

Para sa mga sundalo at pulis ang pagkalas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, ayon kay Foreign Secretary Alan Peter Cayetano.

Bwelta ito ng kalihim sa mga nagsasabing ginawa ng pangulo ang hakbang para takasan ang kanyang pananagutan.

Sinabi ni Cayetano na bumitiw sa ratification ng Rome Statute si Duterte hindi para sa kanyang sarili.

Aniya, posible umanong gamitin ang ratification ng Rome Statute para sampahan ng crimes against humanity ang militar at pulisya sa kanilang laban sa mga rebeldeng komunista at Moro.

Ayon kay Cayetano, bagaman kumalas na ang Pilipinas sa ICC, maaari pa ring imbestigahan ng ICC prosecutors si Duterte kaugnay ng umano’y crimes against humanity dahil naganap ang insidente nang bahagi pa ng ICC ang bansa.

Inakusahan ng abogado na si Jude Sabio at Senador Antonio Trillanes si Duterte ng crimes against humanity kaugnay ng gyera ng pangulo kontra iligal na droga.

 

 

Read more...