Apela ng MIASCOR, ibinasura ng DOTr

Photo from MIASCOR

Ibinasura ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang apela ng aviation service provider na MIASCOR.

Ang MIASCOR Aviation Services ay nagsumite ng liham sa DOTr at MIAA para iapela ang pag-terminate sa kanilang kontrata bilang service provider sa mga paliparan sa bansa.

Sa pahayag ng DOTr, matapos ang pag-aaral sa mga insidente ng ‘baggage pilferage’ sangkot ang mga tauhan ng MIASCOR ay nagpasya ang kagarawan na ibasura ang apela ng kumpanya.

Nanindigan ang DOTr na hindi na ire-renew pa ang kontrata ng MIASCOR sa MIAA.

Maliban dito, sinabi ng DOTr na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na dapat iterminate ang kontrata.

Naghayag din ang pangulo na hindi niya iintindihin ang anomang apela mula sa MIASCOR Aviation Services.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...