Nilinaw ng liderato ng Liberal Party na walang basbas ng partido ang naging “show” ng grupong Playgirls sa panunumpa ng mga bagong LP members na isinabay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Laguna Rep. Benjie Agarao kamakailan.
Sinabi ni Senate President at opisyal ng Liberal Party Franklin Drilon na hindi sakop ng kanilang partido ang nasabing palabas at bilang katunayan ay hindi pa nila ganap na kasapi si partido si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.
Si Tolentino ang sinasabing nag-imbita sa Playgirls para mag-perform sa kaarawan ni Cong. Agarao.
Umapela rin ng pang-unawa sa publiko si Drilon dahil nakahanda raw ang buong Partido Liberal na magsagawa ng imbestigasyon para alamin ang tunay na mga pangyayari sa likod ng nasabing balita.
Tiniyak din ni Drilon sa publiko na ilalabas nila sa susunod na linggo ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa kontrobersiyang nilikha ng malaswang pagsasayaw ng ilang mga kababaihan sa event ng L.P