Kotse bumaligtad matapos maaksidente sa Quezon City

Kuha nI Justinne Punsalang

Bumaligtad ang isang private vehicle sa intersection ng East Avenue at EDSA.

Kwento ng mga saksi, mabilis ang takbo ng blue na Mitsubishi Lancer na may Plate No. na THP 792 sa kahabaan ng East Avenue.

Anila, sa bilis ng pagpapatakbo ng nasabing sasakyan ay bumaligtad ito nang sunalpok sa center island.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang driver.

Samantala, agad na dumating ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang tanggalin sa pagkakahambalang ang nakataob na sasakyan.

 

 

 

Read more...