Buong Eastern Visayas apektado ng easterlies, maaring makaranas ng mga pag-ulan ayon sa PAGASA

Magiging maaliwalas ang panahon ngayong araw at tanging easterlies o hangin mula sa silangan ang umiiral sa bansa.

Ayon sa PAGASA, apektado ng easterlies ang buong Eastern Visayas na makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms.

Sinabi ng PAGASA na maari itong magdulot ng pagbaha o landslides dahil sa mararanasang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.

Samantala sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang mararanasan na mayroong isolated na rainshowers.

Kahapon sinabi ng PAGASA naging mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa Metro Manila, umabot sa 32.4 degrees Celsius ang maximum temperature na naita sa PAGASA Science Garden sa Quezon City ganap na ala 1:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...