MRT-3 limang araw na walang biyahe sa Holy Week

Naglabas na ng schedule ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) para sa Holy Week.

Sa abiso ng MRT sa March 26 at 27, 2018, Lunes at Martes Santo, mananatiling normal ang kanilang operasyon.

Pagsapit ng March 28, Miyerkules Santo hanggang sa April 1, Easter Sunday ay walang operasyon ang MRT-3.

Sa nasabing mga araw ay magsasagawa ng maintenance activities ang MRT-3 sa kanilang mga tren at sa iba pang pasilidad.

Muli namang babalik sa normal ang biyahe ng MRT-3 sa Lunes, April 2, 2018.

 

Read more...