Ilang barangay sa Navotas at Caloocan mawawalan ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Caloocan City at Navotas City ngayong Biyernes, March 16.

Sa abiso ng Maynilad mula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas ay maaapketuhan ng water interruption ang bahagi ng Barangay 171 sa Caloocan.

Alas 10:00 naman ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ang water interruption sa Barangay 152 sa nasabi pa ring lungsod.

Habang sa Navotas, maaapektuhan ng water interruption mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ang Barangay Sipac Almacen.

Tiniyak naman ng Maynilad na agad ibabalik sa normal ang suplay ng tubig sa nabanggit na mga lugar sa sandaling matapos ang kanilang mga aktibidad.

 

Read more...