Sa pahayag kasi ni Roque, mayroong dalawang bansa na nag-abiso rin na kakalas sa ICC ngunit hindi na ito itinuloy.
Sa ngayon aniya, ay maiging tingnan na lang muna kung ano ang susunod na mangyayari matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbitiw sa Rome Statute na kasunduang bumuo sa ICC.
Mayroon na kasing tatlong bansang nagdeklara rin ng pagkalas sa ICC – ito ang Burundi, Gambia at South Africa.
Gayunman, tanging Burundi lamang ang nagpatuloy sa kanilang pag-alis sa ICC na naisapinal noong October 27, 2017, habang ang Gambia at South Africa ay umatras na sa deklarasyon.
Una nang nanindigan si Pangulong Duterte na hindi niya hahayaang igiit ng ICC ang hurisdiksyon nito sa Pilipinas.
Nakatakdang imbestigahan ng ICC ang madugong war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte, dahilan para sabihin ng mga kritiko na hakbang lang ito ng pangulo para makaiwas sa imbestigasyon.