Japan, nagbigay ng 27 bagong heavy equipment para sa Marawi rehab

DPWH photo

Nagbigay ang gobyerno ng Japan ng 27 sets ng bagong heavy equipment na magagamit para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ang turn-over ng mga kagamitan ay naganap sa pagitan nina Japanese Ambassador Koji Haneda, Executive Secretary Salvador C. Medialdea na kumatawan sa tanggapan ng pangulo, at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar na siya ring Vice-Chairman ng Task Force Bangon Marawi.

Pitong hydraulic excavators, tatlong bulldozers, tatlong wheel loaders, dalawang motor garders at 12 dump trucks ang ibingay ng Japan sa Pilipinas.

Ang naturang grant sa pamamagitan ng construction machineries para sa Marawi ay bahagi ng Philippine-Japan Economic and Social Development Program.

Ang donasyong ito ay simbolo ng commitment ng Japan sa muling pagsasaayos ng Marawi at nagpapakita ng malalim na ugnayan nito sa Pilipinas ayon sa DPWH.

Samantala, nagbigay din ng 26 na utility vehicles sa Task Force Bangon Marawi ang Mistubishi Motors Philippines sa pamamagitan ng Presidente at CEO nito na si Mitsuhiro Oshikiri.

Read more...