Papalipad na sa himpapawid ang isang Antonov cargo plane na lulan ang tone-toneladang ginto at silver bars mula sa runway ng paliparan ng Yakutsk nang aksidenteng bumukas ang cargo hold nito.
Dahil dito, nagsitalsikan palabas ng eroplano ang nasa mahigit daan-daang bareta ng ginto at pilak na nagmula sa isang minahan sa Chukotka region.
Agad namang kinordon ng mga security personnel ang lugar upang i-secure ang mga ginto at pilak.
Sa kabila nito, maswerteng nabawi naman ang lahat ng mga gold at silver bars na nahulog mula sa eroplano.
Lumapag ang Antonov cargo plane lulan ang mga ginto sa Yakutsk airport upang mag-refuel nang maganap ang insidente.