“Monument of change” itatayo gamit ang mga pinitpit na luxury cars

 

Inquirer file photo

Magtatayo ng isang “monument of change” na gawa sa mga scrap metal mula sa mga pinitpit at winasak na smuggled na luxury vehicles ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Layon nitong ipaalala sa mga tao ang pagsisikap ng gobyerno na resolbahan ang problema sa katiwalian at smuggling.

Matatandaang noong Miyerkules ay sinaksihan pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak ng bulldozer sa 14 na luxury vehicles, na ilan pa sa mga tatak ay Porsche at Mercedes Benz.

Tinatayang nasa 800 pa na ibang sasakyan ang susunod na wawasakin matapos iatras ng isang accredited na used car importer ang kanilang protesta.

Naniniwala si CEZA administrator Atty. Raul Lambino na maaring maging tourist attraction ang nasabing monumento.

Tanging 100 wasak na sasakyan lamang ang gagamitin para sa pagbuo nito, habang ang matitira ay ido-donate sa mga kooperatiba upang matulungan silang makalikom ng pondo.

Read more...