9 na opisyal ng Kuwait nasa bansa para sa MOU na tutulong sa mga OFW

 

Nasa bansa ngayon ang siyam na opisyal ng gobyerno ng Kuwait para sa pagtalakay ng pagbalangkas ng Memorandum of Understanding para sa proteksyon ng manggagawang pilipino sa Kuwait.

Dalawang araw ang pulong ng Kuwaiti officials at mga opisyal ng Pilipinas para sa pagtalakay ng mga kundisyon sa MOU kaugnay ng proteksyon ng mga OFW.

Kabilang sa nakalatag na kundisyon ang hindi pagkumpiska sa pasaporte at telepono ng mga Overseas Filipino Workers, ang pagbabawal sa paglilipat sa ibang amo ng walang pahintulot ng OFW o ng labor attache ng Pilipinas at ang blacklisting ng employer at foreign agency kapag minaltrato ng OFW.

Kapag nagkasundo na ang dalawang bansa ay posibleng mapirmahan ang MOU sa susunod na mga linggo.

Pero aminado si Labor Sec. Silvestre Bello III na kahit mapirmahan ang kasunduan ay hindi pa rin tatanggalin ang total deployment ban sa Kuwait lalo na ngayong Marso.

Isa pa kasi sa kundisyon ng Pilipinas na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Joanna Demafelis na nakita sa freezer sa Kuwait.

Read more...