CIDG sinisi ng prosecution panel sa pagkaka-abswelto sa grupo ni Kerwin Espinosa

Isinisi ni Assistant State Prosecutor Michael John Humarang sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagkakabasura ng drug case ng self-confessed na druglord na si Kerwin Espinosa at negosyanteng si Peter lim at Peter Co.

Ayon kay Humarang, isa sa panel of prosecutor na nag-aral sa kaso ng mga akusado, dinismis nila ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya na ipinrisinta ng PNP-CIDG.

Giit ni Humarang, limitado lang sa ebidensya sa kaso ng PNP-CIDG sa testimonya ng dating aide ni Espinosa na si Marcelo Adorco at wala nang iba.

Nanindigan si Humarang na malinis ang kanilang konsyensya at handa siyang humarap sa imbestigasyon na gagawin ng National Bureau of Investigation sa mga kasamahan niya sa National Prosecution Service.

Samantala, sinabi ni dating assistant Senior Assistant Prosecutor at ngayoy Lucena Regional Trial Court Judge Aristotle Reyes na hindi consistent at walang personal knowledge si Adorco sa mga naging testimonya nito.

Read more...