Sec. Roque binatikos ng oposisyon sa Kamara dahil sa pagbaliktad sa ICC

Binatikos ng mga kongresista ang naging pagtatanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na sa Rome Statute of International Criminal Court.

Ayon kina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tom Villarin, si Roque noon ang isa sa naglobby upang ratipikahan ang Rome Statute upang maging kasapi ang bansa ng ICC.

Sa katunayan ayon kay Villarin, inilathala pa ni Roque sa kanyang blog ang pasasalamat sa Senado at dating Pangulong Noynoy Aquino matapos mapasama ang bansa sa ICC.

Iginiit ni Baguilat na sa halip na ipagtanggol ang pangulo dapat nitong payuhan ang pangulo na mali ang ginawang pag withdraw mula sa Rome Statute.

Naniniwala naman si Villarin na ambisyon ang dahilan kung bakit bumaligtad nang posisyon si Roque.

Read more...