Andanar: PCOO nakatutok sa kampanya kontra hate speech

Radyo Inquirer

Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na kaisa ang kanyang tanggapan sa panawagan na labanan at ma-kontrol ang mga hate speech o mga pagbabantang posts sa Facebook.

Ayon kay Andanar maging siya ay personal na tutol at hindi niya ginagawa ang hate speech.

Sa kabila nito, nilinaw ni Andanar na kaya hindi nila inaalis ang mga negatibo at mga threat comments sa mga posts ng PCOO ay dahil ayaw niyang maakusahan may censorship sa mga komento ng netizens.

Nilinaw din ni Andanar na wala pa naman silang formal complaint na natatanggap kaya naman hinamon niya ang netizens na i-screenshot ang mga hate speech sa FB at ipadala sa kanilang tanggapan para mayroon silang basehan na alisin ang mga ito.

Binigyang diin ni Andanar na maaaring magamit na proof ang mga screenshots kapag kinasuhan na ang mga taong nagsulat ng hate speech.

Tiniyak rin ng kalihim na bukas ang kanyang tanggapan para sa mga suhestiyon para malabanan ang mga hate speech.

Read more...