EO kaugnay sa kontraktwalisasyon pirma na lang ni Pangulong Duterte ang kulang

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para sa executive order na makakatulong sa labor industry kaugnay ng usapin ng endo at kontraktwalisasyon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naibigay na niya tanggapan ng pangulo ang EO.

Paglilinaw pa ni Bello, hindi na kasama sa isinumite nilang EO ang usapin ng endo dahil malinaw aniyang labag ito sa batas kaya naka-sentro ang kautusan sa contractualization.

Gayunman, binigyang diin ng kalihim na may mga probisyon sa kontraktwalisasyon na pinapayagan ng batas at sinasang-ayunan ng labor sector partikular ang “seasonal hiring.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...