Ayon kay Gascon, nagkakamali si Duterte kung iniisip nito na makakawala siya sa jurisdiction ng International Criminal Court sa pamamagitan ng ginawa nitong deklarasyon.
Kung tunay aniya na walang itinatago ang administrasyong Duterte, dapat maging bukas ito at hayaang gumulong ang proseso sa ICC.
Aniya, hindi na mapipigilan ang pag arangkada ng proseso ng preliminary examination sa ICC.
Una na ring inihayag ng CHR na ipagkakaloob nito ang buong kooperasyon sa ICC kung hihilingin nito.
Idinagdag ni Gascon na mas mainam na gawin ni Duterte ay magpakita ng interes na bigyan ng hustisya ang mga namatayan sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga nasa likod ng human rights violations sa kampanyang giyera kontra droga.