Pero apela naman ni Vitangcol na bigyan siya ng immunity kung sakaling gawin siyang whistleblower ng pamahalaan.
Pero sa ngayon wala pa umanong kumakausap sa kanya mula sa pamahalaan para gawin siyang testigo, itinaggi din nito na siya ang tinutukoy ni Sec. Harry roque na isa sa dalawang wistleblower ng pamahalaan sa panibagong isasampang plunder case laban sa mga opisyal na nasa likod ng palpak na MRT.
Tahasan naman inginuso ni Vitangcol si Atty. Joseph Emilio Abaya dating kalihim ng nooy DOTC na nag-apruba ng P100 million na insurance mula sa GSIS na kahit kailan umano hindi nakapag-claim ang MRT para sana sa pagpapagawa sa mga sira nito. / Jong Manlapaz