Lalaking binawi ang dowry sa asawa, pumatay ng 4 katao

sulu-map
Inquirer file

Apat ang namatay at dalawa ang nasugatan nang pinaulanan ang mga ito ng bala ng tatlong lalaki, kabilang na ng suspek na si Asan Fnu, kaninang ala una ng hapon, Oktubre 5, sa Brgy. Simbal, Banguingui, Sulu.

Base sa report ng Banguingui Municipal Police Station sa Sulu, binabawi ni Fnu mula sa mga magulang ng kanyang asawa ang kanyang binayad na dowry dahil ayaw na siyang balikan ng nito.

Dahil natagalang tumugon ang mga magulang sa kanyang hinihingi ay sinugod ni Fnu at ng mga kasamahan nya ang pamilya ng kanyang asawa at pinaulanan ng bala ng M16 ang mga ito.

Patay sa insidente sina Junaid Ayyub, 52 taong gulang; Adzar Sanani, 3; Auja Ayyub, 16; at Almasin Ayyub, 10. Ang mga sugatan na agad na dinala sa isang ospital sa Zamboanga City ay sina Alnaid Ayyub, 15, at Rena Ayyub, 9. Agad na tumakas sakay ng isang motorized banca si Fnu at ang mga kasamahan nito.

Read more...