Pangulong Duterte gustong gawing trophy ng ICC – Malakanyang

Kuha ni Mark Makalalad

Pumapalag ang Malakanyang sa mistulang pag-single out ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, maraming nakabinbing reklamo sa ICC na hindi naman binibigyang-pansin.

Halimbawa na aniya ang maraming demanda laban sa Santo Papa subalit hindi naman inaaksyunan ng ICC kahit na miyembro pa ng Rome statute ang Italy at Vatican.

Malinaw aniya na kaya pursigidong i-prosecute si Duterte para gawin itong trophy ng ICC.

Sinabi pa ni Roque na mistulang may hang-over pa sa colonial power ang mga taga-ICC na pawang mga taga-Europa ang miyembro nito kung kaya patuloy pa ang pagpupumulit na sakupin ang ibang bansa gaya ng Pilipinas.

Insulto aniya ang ginawa ng ICC dahil mistulang inihalintulad nito ang Pilipinas sa Sudan at Somalia na hindi na gumagana ang mga korte dahil sa nagpapatuloy na giyera.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...