Vice-Presidential race sa 2016 magiging “maanghang” dahil sa tapatan ng mga Bicolano candidates

vp race
Inquirer file photo

Magiging laban na ng mga Bicolano ang Vice-Presidential race sa 2016 National Elections. Paliwanag ni Senate President Pro-Protempore Ralph Recto, ito ay dahil na rin sa pagsabak sa eleksyon ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Bukod kay Robredo, sasabak din sa Vice-Presidetial race ang iba pang Bicolano tulad nina Senators Chiz Escudero, Antonio Trillanes IV at si Gringo Honasan na sinasabing makakatandem ni Vice-Presdient Jejomar Binay.

Ayon kay Recto, sa unang pagkakataon ay mas maraming Vice-Presidential candidates na galing sa Bicol Region ang sasabak sa isang National Elections kumpara sa mga nakalipas na panahon.

Sinabi pa ni Recto na ang pagsabak ng mga Bicolano ay maihahalintulad sa isang sili na magpapa-anghang sa halalan.

Naniniwala si Recto na magiging healthy competition ang ang laban sa V.P race lalo’t galing sa iisang rehiyon ang mga magkakatunggali.

Sa panig ni Senador Antonio Trillanes IV, kanyang sinabi na isang welcome development ang naging desisyon na Robredo na sumabak sa eleksyon.

Idinagdag rin ng mambabatas na hindi lamang basta kwalipikado bagkus ay maituturing rin na isang mahusay na lider si Robredo.

Read more...