Lisensya ng Cebu Pacific pinasususpinde ng isang kongresista

cebu-pacificPinasususpinde ni Pasig City Rep. Roman Romulo sa gobyerno ang lisensya ng low-cost carrier na Cebu Pacific.

Katwiran ni Romulo, isa sa mga may-akda ng Passenger’s Bill of Rights, marapat na patawan ng mabigat na parusa ang Cebu Pacific kasunod ng pagkaantala at kanselasyon ‘na naman’ ng maraming flights nitong nakalipas na Biyernes at Sabado dahil sa “system-upgrade” ng kumpanya.

Dismayado si Romulo dahil nagdurusa ang mga pasahero bunsod ng kapabayaan ng CebuPac.

Giit pa ng Kongresista, milyong-milyong Pilipino ang sumasakay sa mga eroplano ng CebuPac, kaya dapat naman mabigyan ang mga ito ng maayos na serbisyo.

Paalala pa ni Romulo sa pamahalaan, kailangang seryosong maturuan ng leksyon ang CebuPac upang hindi na maulit ang mga insidente at para magsilbong halimbawa na rin sa ibang kumpanya.

Dati nang pinagmulta ang CebuPac ng mahigit 50 million pesos dahil sa mga aberya noong nakaraang Christmas Season.

Read more...