Sa abiso ng Meralco, sa Sta. Rosa City, magaganap ang power interruption sa pagitan ng mula alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ng Huwebes (March 15) at apektado ang mga sumusunod na lugar:
- bahagi ng Sparta Drive sa Olympia Park Phase 1 Subdivision mula Athena Drive
- Alfonso Homes Phase 1 Subdivision
Ayon sa Meralco, magpapalit sila ng poste at magsasagawa ng line reconductoring works sa Sparta Drive sa Barangay Labas, Sta. Rosa City.
Simula alas 9:00 naman hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 2:01 hanggang alas 3:00 ng hapon ang interruption sa ilang bahagi ng Nagcarlan, Rizal at San Pablo at apektado ang mga sumusunod na lugar:
- Bahagi ng San Pablo – Nagcarlan – Rizal Municipal Road
- Banago Barangay Road hanggang Sitio Biuyan
- Joshua Meat Products
- Taytay
- Antipolo
- Paule I
- Pook
- Talaga
- Tuy
- Bahagi ng Banago – San Francisco Municipal Road
- Abo
- Bukal
- San Francisco
- Silangan Ilaya
- Silangan Napaptid
Samantala, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon naman ang power interruption sa mga sumusunod na lugar:
- Bahagi ng San Pablo – Nagcarlan – Rizal Municipal Road
- Bambang Barangay Road
- Chepeco Subdivision
Ayon sa Meralco, maglilipat sila ng poste na maaapektuhan ng proyekto ng DPWH sa Nagcarlan – Rizal Municipal Road sa Bgy. Buboy, Nagcarlan, Laguna.