Ambulansya bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover

Maagang nagsikip ang daloy ng traffic sa southbound lane ng EDSA.

Ito ay makaraang maaksidente ang isang ambulansya at bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover.

Pabalik na sana ng Rosario, Cavite ang ambulansya matapos maghatid ng pasyente nang mabangga ito sa concrete barrier bago umakyat sa Ortigas flyover.

Wasak na wasak ang kaliwang bahagi ng bumper ng ambulansya dahil sa nasabing aksidente.

Nagdulot din ito ng maagang pagsisikip ng daloy ng traffic sa EDSA southbound at umabot sa Main Avenue ang tail end ng mga sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...