Easterlies na lang ang umiiral na weather system sa bansa ayon sa PAGASA

Wala nang umiiral na Northeast Monsoon o Amihan sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, tanging easterlies na lamang ang umiiral ngayon at nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng easterlies ang Eastern Visayas, Caraga at Bicol Region na maaring makaranas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lang ng localized thunderstorms.

Dahil sa easterlies, magiging maalinsangan na ang panahon sa bansa ngayong araw.

 

 

 

 

 

Read more...