Ang protesta ng mga estudyante sa Amerika ay bilang paggunita rin sa malagim na school shooting sa loob ng Marjory Stoneman Douglas High School sa Parkland Florida noong February 14, araw ng mga puso.
Sa naturang pamamaril, matatandaang nasa 17 mga estudyante at staff ng paaralan ang nasawi makaraang walang habas na mamaril ang isang na-expel na estudyante gamit ang assault rifle.
Bitbit ang mga placards, isinigaw ng mga mag-aaral sa inilunsad na National School Walkout na dapat nang magising ang mga otoridad sa katotohanang marami nang inosenteng biktima ng pamamaril dahil sa maluwag na mga batas ukol sa gun ownership.
Hndi na anila sapat ang paghiling at pagbibigay ng dasal sa mga biktima at kailangan na ang konkretong aksyon upang hindi na muling maulit ang kahalintulad na trahedya.
Bukod sa mga ekwelahan sa Parkland Florida, marami pang mga estudyante ang lumabas sa kanilang mga klase tulad ng New York, Washington Connecticut, Chicago Georgia at California.