Isyu sa Dengvaxia, haharapin ni Aquino sa COMELEC ngayong araw

 

Ngayong araw nakatakdang humarap si dating Pangulong Benigno Aquino III sa Commission on Elections (COMELEC) para harapin ang reklamo laban sa kaniya kaugnay ng isyu sa Dengvaxia.

Maliban kay Aquino, ipinatawag din sa pagdinig sina dating Health Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Butch Abad.

Inireklamo kasi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang tatlo dahil sa pagpapatupad ng anti-dengue vaccination program ilang linggo lang bago ang halalan noong 2016.

Nilabag anila umano ng tatlong dating opisyal ang Section 261 ng Omnibus Election Code kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang paglalabas ng pondo 45 araw bago ang regular na halalan.

Una nang iginiit ni Aquino na walang iregularidad sa pagbili nila sa mga bakuna at pagpapatupad ng programang ito.

Samantala, nangako naman si Garin na haharap din siya sa pagdinig ng COMELEC upang patunayang walang halong pulitika ang dengue immunization program.

Nakatakdang magsimula ang pagdinig alas-10:00 ng umaga ngayong Huwebes.

Read more...