Isa patay sa buy bust na nauwi sa engkwentro sa QC

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki matapos manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa Barangay Payatas, habang arestado naman ang tatlo nitong kasamahan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Abdul Asis Daimon habang ang mga naarestong drug suspects ay sina Xander Dela Cruz, 18 taong gulang; Rizen Sobrepena, 23 taong gulang; at Michael Adipin, 37 taong gulang.

Ayon kay QCPD Station 6 chief, Police Superintendent Rossel Cejas, natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya pinaputukan nito ang mga otoridad, na sila namang gumanti rin ng putok.

Narekober mula sa mga suspek ang isang shotgun, isang kalibre 38 baril, 15 sachet na naglalaman ng ₱10,000 halaga ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang tatlong arestadong suspek sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...