Panukalang pagpapaliban sa SK at Bgy. elections, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

 

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 8 mula May 14 ngayong taon.

Sa ilalim ng House Bill 7378 na inihain nina Representatives Reynaldo Umali, Johnny Ty Pimentel, Jose Panganiban Jr. at Edgar Sarmiento, isasagawa ang sunod ng Bgy. at Sk elections sa ikalawang lunes ng October 2021 at pagkatapos ay kada tatlong taon.

Noong October 31, 2016 ang orihinal na schedule ng naturang halalan na ipinagpaliban noong October 23, 2017 pagkatapos ay sa darating na May 14, 2018.

Samantala, sinabi ni Senate President Koko Pimentel na wala na siyang nakitang dahilan para ipagpaliban ang Bgy. at SK elections habang sinabi naman ni Senate majority leader Tito Sotto na kulang na ang panahon at walang suporta ng mayorya ng senado ang panukalang batas.

Matapos ang pagka-apruba sa ikalawang pagbasa, ikakalendaryo na ang bill sa ikatlo at pinal na pagbasa pagkatapos ay pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara.

Kapag naaprubahan ay saka ito isusumite sa senado.

Read more...