Smuggled vehicles sa Cagayan, winasak

 

Screengrab RTVM

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa mga smuggled vehicles, kabilang ang ilang luxury cars, sa lalawigan ng cagayan.

Sinira ang labing-apat na luxury vehicles mula sa Japan at South Korea na nagkakahalaga ng tinatayang 27 million pesos.

Unclaimed ang mga mamahaling sasakyan mula pa noong 2014 dahil sa executive order na nagbabawal sa pag-angkat ng segunda manong sasakyan.

Kabilang sa mga winasak ang mga sasakyang Maserati Quattroporte, Porsche 911 GT3, BMW Alpina B12, BMW Z1, Opel Manta, Renault 5 at 8, at Mercedes Benz.

Nasa 841 na mga sasakyan sa Port Irene sa Cagayan ang posible ring sirain dahil nire-review pa ang dokumento ng mga ito.

Noong nakaraang buwan ay pinangunahan din ng pangulo ang pagsira sa dalawampung smuggled cars na nagkakahalaga ng 61.6 million pesos sa Manila Port.

Read more...