Team Gilas Pilipinas, nakabalik na sa bansa

arrival
Kuha ni Ruel Perez

Nakabalik na sa bansa ang buong miyembro ng Team Gilas Pilipinas galing sa Hong Kong matapos ang tagumpay na nakamit sa FIBA Asia na ginanap sa China.

Labingisang oras na na-stranded sa Hong Kong ang Gilas Team dahil sa delayed na flight dulot ng masamang panahon na hatid ng bagyong Kabayan na unang dumaan sa Pilipinas.

Lumapag sa NAIA Terminal 3 pasado ng 10:30 ng umaga ang Cathay Pacific flight CX 907 lulan sina Andray Blatche, dating PBA Commissioner Sonny Barrios na ngayon ay Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at Coach Tab Baldwin.

Samantala alas 11:15 lumapag naman ang Cathay Pacific flight CX901 sakay na ang mga players o buong team ng Gilas.

Nauna ng nakansela ang flight ng Gilas galing HK CX 905 dahil sa masamang panahon sa Hong Kong na dapat ay kaninang madaling araw pa lumapag sa NAIA.

Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer, kinumpirma ni Marc Pingris na binabato sila ng mga audience habang nagpapatuloy ang laban nila sa China. “Sobrang sama eh, habang naglalaro kami may mga nambabato pa sa likod namin, nandoon lang ang mga guard, walang ginagawa minsan tumatawa pa,” ayon kay Pingris.

Sinabi ni Pingris na noong naglaban naman ang Pilipinas at China dito sa bansa
Nakakalungkot ayon kay Pingris, dahil nasayang ang kanilang pinaghirapan. Ginawa aniya ng team ang lahat para makuha ang tagumpay.

Ayon pa kay Pingris, kapag dito sa Pilipinas ginagawa ang laban, ang mga Pinoy fans ay nagkakasya na sa malakas na pag-cheer at hindi kailanman nanakit o nambastos ng mga dayuhang players.

Read more...