De Lima magbibitiw sa DOJ sa simula ng filling ng COC

Leila-de-LimaEpektibo sa October 12, 2015 ay magbibitiw na sa kaniyang puwesto bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) si Sec. Leila De Lima.

Ito ang kinumpirma ni De Lima kasunod ng naunang anunsyo na siya ay tatakbo bilang senador sa 2016 elections.

Ayon kay De Lima, magbibitiw siya sa DOJ at ang effectivity ay sa unang araw ng filling ng Certificate of Candidacy (COC) o sa October 12.

Sinabi ni De Lima na si Pangulong Benigno Aquino III ay mayroon nang napiling kapalit niya bilang kalihim ng DOJ. Ang nasabing magiging kapalit umano niya ang siya ring napipisil ni De Lima.

Ayon sa kalihim, ang electoral at human rights reforms ang sesentrohan niya sa sandaling maluklok bilang senador.

Nagpasalamat naman si De Lima dahil kahit baguhan siya sa pulitika ay nakakakuha pa rin siya ng mataas na rating sa surveys.

Sa pinakahuling Pulse Asia senatorial preference survey, nakakuha si De Lima ng 35.2 percent na rating.

Read more...