Isa bagong investigating panel ang binuo ng Department of Justice para magsagawa ng review kaugnay sa pagkakabasura ng kasong drug trafficking sa ilang mga personalidad na isinasangkot sa droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mismong si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre ang nagsabi na binuo na niya ang nasabing grupo ng mga prosecutors.
Ito ang naging tugon ng DOJ makaraang ibasura ng National Prosecution Service ang mga kaso laban kina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at ang mga drug personalities na sina Peter Lim at Peter Co.
Nauna dito ay sinabi ng Malacañang na dismayado sila sa pagkakabasura ng drug case laban sa nasabing mga drug suspek.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Atty. Raymond Fortun na sa simula pa lamang ay talagang mahina na ang kasong isinampa laban sa kanyang kliyente.
Ito umano ang dahilan kung bakit ibinasura ito ng NPS.