Mga bagong kasamahan pinulong ni Faeldon sa unang araw sa OCD

Photo: Mark Makalalad

Balik-trabaho na ngayon si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito’y matapos syang masangkot sa kontrobersya ng pagpasok sa bansa ng P6.4 Billion na halaga ng shabu kasunod ng pagpapa-alam na pag-alis sa BOC kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Faeldon ay inilipat sa Office of Civil Defense at itinalaga bilang Civil Defense Deputy Administrator for Operations.

Sa kanyang unang araw sa trabaho, napasabak agad sa meeting si Faeldon kasama si Civil Defense Administrator Usec. Ricardo Jalad kaugnay sa Task Force Bangon Marawi.

Ayon kay Romina Marasigan, spokesperson ng NDDRMC, maaga pa lang ay nag-report on duty na si Faeldon.

Para maging pamilyar, nakipagkita rin sya sa mga operations service director na kanyang makakatrabaho.

Ani Marasigan, welcome sa OCD si Faeldon at kinikilala nila ang maaring maitulong nito sa kanilang organisasyon.

Read more...