Naglabas ng pahayag si National Youth Commission Chairperson Aiza Seguerra kasunod ng kanyang pagbibitiw sa pwesto.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Seguerra na personal siyang nakipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte noong March 5 upang maghain ng kanyang resignation at ipaliwanag kung ano ang dahilan.
Ayon kay Seguerra, nais niyang malaman ng pangulo mula sa kanya mismo ang dahilan at hindi ito manggaling sa mga tsismis sa social media.
Ayon sa nag-resign na NYC Chair, naunawaan ng pangulo ang kanyang desisyon at sinuportahan siya nito.
Nagpasalamat rin si Seguerra sa kanyang mga naging kasamahan sa NYC sa loob ng isa’t kalahating taon.
Ayon kay Seguerra, maikli man ang kanilang naging pagsasama ay naging makahulugan naman ito para sa kanya.
Nag-iwan rin ng mensahe si Seguerra sa kabataang Pinoy at sinabing magkaisa sila sa kabila ng mga pagkakaiba.
Sa kabila nito, hindi naman binanggit ni Seguerra sa kanyang statement kung ano ang tunay na dahilan sa kanyang pagbibitiw.