25 loose firearms isinuko sa Maguindanao

Kuha ni Mark Makalalad

Aabot sa 25 loose firearms ang boluntaryong sinuko ng mga residente sa munisipalidad ng Radjah Buayan, Maguindanao.

Sa pamamagitan ng “Balik-Baril Program”, ang 25 firearms ay nai-turn over sa Joint Task Force Central sa pangunguna ni Major General Arnel Dela Vega.

Kabilang sa mga isinuko ang caliber 30 Machine Gun, 60mm Mortar, 5.56 M2G ultimax rifle, M16 rifle, dalawang M14 rifles; tatlong garand rifles, dalawang carbine rifles, pitong barrett sniper rifles, apat na M79 Grenade launchers, dalawang shotguns, at isang handmade AR colt rifle.

Ayon kay Lieutenant General Carlito G. Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command, malaking tulong ang mga loose firearms na isinuko sa para sa kanilang law enforcement operations at paglaban sa mga masasamang elemento.

Mula January 1 hanggang March 12, 2018, aabot na sa 658 loose firearms ang narekober ng Western Mindanao Command sa kanilang mga operasyon kung saan 248 ang isinuko sa Sulu, 221 sa Zamboanga City, 159 sa Central Mindanao, at 30 sa ZamPeLan.

 

 

 

 

 

 

Read more...